Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ICC prosecutors hiniling ang paghain ng testimonya ng 5 dagdag testigo vs Duterte

Ilang recorded na testimonya pa ng mga testigo sa kasong crimes against humanity ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang hiniling ng International Criminal Court prosecutors na tanggaping ebidensya ng Trial Chamber III para mapabilis ang takbo ng paglilitis.

Kabilang dito ang mga naunang testimonya nina witness P-0025 at P-1382 na sinasabing mahalagang ebidensya sa ilang insidente sa war on drugs ni Duterte, gaya ng pagpatay umano ng mga pulis kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at sa pagpaslang ng mga pulis kay Kian Lloyd Delos Santos.

May hiwalay ding aplikasyon ang prosekusyon para naman sa testimonya nina witness P-0004, P-0014 at P-1371.

Ayon sa mga taga-usig, mahalaga ang pahayag nila para patunayang naging sistematiko ang pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Inaasahang magsisimula ang paglilitis ni Duterte sa November 30.

TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.

Leave a Reply