Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Zalameda itinalagang bagong Punong Mahistrado ng Korte Suprema

May napili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong punong mahistrado ng Korte Suprema: si Associate Justice Rodil Zalameda.

Inanunsyo ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Zalameda isang araw matapos ang pormal na pamamaalam ni Chief Justice Alexander Gesmundo na kailangang magretiro sa edad na 70 sa Biyernes, November 6.

Si Zalameda ang naging ponente o ang nagsulat ng desisyon ng Korte Suprema sa desisyon na nagpapawalang-sala kay dating First Lady Imelda Marcos sa kasong graft at sa tinaguriang ‘landmark decision’ na nagsasabing ang red-tagging o pag-uugnay sa mga tao at grupo sa mga komunistang grupo ay nagdudulot ng banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng isang tao. 

11 taong nagsilbi si Zalameda bilang associate justice ng Court of Appeals bago siya itinalaga ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang Supreme Court associate justice noong 2019. 

Nagpapatrol, Adrian Ayalin. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.

Leave a Reply