TV PATROL: M2M balik-bansa sa 2027 matapos ang ‘unforgettable’ Manila concert
Pinaghahandaan na ng Norwegian duo na M2M ang kanilang comeback concert sa bansa sa 2027.
Kwento nina Marit at Marion, unforgettable ang maka-jam ang Pinoy fans sa kanilang reunion concert sa Manila noong Mayo.
Samantala, ramdam ngayon ni Sofronio Vasquez ang halong nerbiyos at excitement para sa kanyang sold-out solo concert ngayong weekend.
Mismong ang coach niya sa ‘The Voice USA’ na si Michael Bublé ang tumulong sa kanya sa pagpili ng mga kanta.
Sumabak naman sa music scene ang drag queen superstar na si M1ss Jade So at kwento niya sa ABS-CBN News, naging therapy at creative outlet niya ang pagsulat at paggawa ng unique sound.
Nagmistula namang reunion ng ‘Mara Clara’ OG stars ang pinakabagong music video ng ‘Primera Kontrabida’ na si Gladys Reyes.
Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.