TV PATROL: Amihan lalakas pa simula sa Biyernes
Bagama’t nararanasan na ang mahapdi sa balat na init, nasa higit 35 degrees Celsius pa lang ang pinakamataas na temperatura na natala ngayong unang mga araw ng Nobyembre, sa bandang Central Luzon.
Kung damang init naman ang pag-uusapan, pumalo sa 43 degrees celsius ang heat index sa Zamboanga City ngayong araw.
Bukas, Biyernes, tatlong lugar lang ang posibleng makaranas ng danger level heat index: Coron, Palawan sa 43 degrees at Butuan at Dipolog City sa 42 degrees Celsius.
Ang heat index ay ang damang init ng katawan base sa pinagsamang epekto ng temperatura at dami ng moisture sa hangin.
Lalakas pa mula Biyernes ang Amihan at makaaapekto sa mas malaking bahagi ng Luzon.
Posible ring muling mabuo ang shear line sa pagbabanggaan ng Amihan at Easterlies.
TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026