TV PATROL: Super El Niño sa Pacific Ocean, magdadala ng matinding init
Sa pag-iral ng super El Niño sa karagatang Pasipiko, inaasahan ang mas mataas na temperatura at heat index.
Pero may paraan para maibsan ang labis na init na nararamdaman.
Gaya sa Quezon Memorial Circle, may walong misting stations sa iba-ibang bahagi ng parke para makatulong na maibsan ang init na nararamdaman ng mga park goer.
Malinis ang tubig sa mga ito at hindi rin umano malakas ang konsumo kaya patuloy na paandarin kahit pa umiiral na ang super El Niño.
Inaabisuhan din ang lahat na malaking tulong ang palagiang pag-inom ng tubig para malabanan ang dehydration.
Dapat ding planuhin ang isinusuot na damit.
Kung matindi ang sikat ng araw, mainam na magsuot ng magagaan at light-colored na damit.
Mas nakakatrap ng init ang madidilim na kulay.
Kung kaya pa ng supply ng tubig, mag shower para bumaba ang temperatura ng katawan.
Ang iba, pinipili na lang ding manatili sa bahay habang ang iba naman ang malamig na mga mall ang nagbibigay ng pansamantalang ginhawa.
Nagpapatrol Raphael Bosano.
TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026