TV PATROL: Bakeshop sa Lipa City, pinasok ng 7 lalaki; P200,000 kita ng tindahan tinangay
Pinasok ng pitong lalaki ang isang bakeshop at restaurant sa Lipa City, Batangas.
Natutulog sa upuan ang security guard ng naturang bakeshop, madaling araw ng Martes nang pasukin ito ng mga kawatan.
Wala na siyang nagawa nang igapos ang kaniyang mga kamay at paa at pagkatapos ay piringan.
Inagaw pa sa guwardiya ang kaniyang baril at cellphone.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagdating ng mga suspek sakay ng isang tuktuk mag-aalas dos ng madaling araw.
Napasok ang bakeshop matapos sirain ang pinto nito.
Natangay ng mga suspek ang vault na naglalaman ng tinayayang P200,000 na kita ng tindahan.
Sa hiwalay na follow up operation, natunton at naaresto ng mga pulis sa kwarto ng isang hotel sa Recto, Maynila ang dalawa pang suspek habang pinag-uusapan kung papaano nila gagastusin ang nakuhang pera.
Estilo umano ng mga suspek na mag-ikot sa mga probinsya at maghanap ng mga target na papasuking mga establisymento.
Nagpapatrol, Dennis Datu. TV Patrol, Huwebes, Nobyembre 5, 2026