Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kasagsagan ng super El Niño mararanasan sa Disyembre hanggang June 2027

Noong Hunyo pa nagsimula ang El Niño pero nitong Nobyembre pa lang ito umabot sa very strong intensity o ‘yung tinatawag na super El Niño.

Para masabing may super El Niño, kailangan mas mainit nang higit 2 degrees Celsius kumpara sa normal ang ibabaw ng karagatan sa tropical pacific ocean. 

Sabi ng PAGASA, sa Disyembre ang peak o kasagsagan nito pero posibleng tumagal ang El Niño hanggang sa hunyo ng susunod na taon.

Sabi ng PAGASA, mas tuyo at mas mainit ang 2026-2027 Amihan season kumpara sa mga nagdaang taon.

Posible pa rin ang cold surges o yung malakas na bugso ng Amihan at mararamdaman ang lamig sa gabi at madaling-araw.

Pwede pa ring mas mababa sa 10 degrees celsius ang lamig sa Cordillera sa kasagsagan ng Amihan sa Enero.

Pero mainit naman sa araw sa maraming lugar mula Nobyembre hanggang Pebrero.

Pwedeng pumalo sa higit 38 degrees Celsius ang temperatura sa mga kapatagan sa Mindanao at lagpas 37 degrees Celsius naman sa mga kapatagan sa northern at Central Luzon.

TV Patrol, Biyernes, 6 Nobyembre 2026

Leave a Reply