Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Bilang ng mga walang trabaho bahagyang tumaas noong Setyembre

Bahagyang tumaas ang bilang mga walang trabaho noong Setyembre.

Iniuugnay ito ng Philippine Statistics Authority sa pagbagal ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno at paghina ng construction industry.

Ayon sa PSA, bahagyang tumaas sa 5.4% ang unemployment rate noong Setyembre, mula 5.3% noong Agosto.

Katumbas ito ng 2.86 million na Pilipinong walang trabaho.

Pinakatinamaan ang construction sector, na una nang humina dahil sa paghihigpit ng gobyerno, pagkatapos mabunyag ang flood control scandal.

Nasa 416,000 ang nabawas na trabaho sa construction, kumpara noong Agosto, at 271,000 naman kumpara noong Setyembre 2025.

Tiniyak naman ni Public Works Secretary Giovanni Lopez na tuloy ang pagbi-bid ng malalaking proyekto ng DPWH, gaya ng mga kalsada, tulay, paaralan at flood mitigation structures, hindi lang para mapadali ang buhay ng mga tao, kundi para makalikha ng mas maraming trabaho.

Hindi rin aniya sila titigil sa pagpapatupad ng mga proyektong sinimulan ni dating DPWH Chief Vince Dizon. Nagpapatrol, Andrea Taguines.

TV Patrol, Biyernes, Nobyembre 6, 2026

Leave a Reply