Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Sunog sumiklab sa isang mall sa Makati

Sumiklab ang sunog sa isang establisimyento sa isang mall sa Amorsolo Street, Barangay Pio del Pilar, Makati City, gabi ngayong Biyernes, Nobyembre 6. 

Sa inisyal sa ulat ng Bureau of Fire Protection itinaas sa unang alarma dakong alas-6:08 ng gabi.

Dakong 6:46 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog.

Mercantile ang sangkot na establisimyento sa insidente, ayon sa BFP. 

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. Walang nasaktan o nasawi sa insidente. 

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

 

Leave a Reply