Friday, November 6, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TRAFFIC PATROL: Reblocking, asphalt overlay sa EDSA ngayong weekend

MANILA — Magpapatuloy ang Phase 2 ng EDSA rehabilitation project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula Nobyembre 6 hanging 8. 

Ayon sa DPWH, magkakaroon ng concrete reblocking sa northbound lanes habang isasagawa naman ang asphalt overlay sa ilang bahagi ng southbound lanes.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang:

SOUTHBOUND: Mula EDSA Main Avenue Bus Station hanggang EDSA Annapolis Street, kung saan isasagawa ang asphalt overlay 

Area 1 from EDSA Main Ave. Bus Station to EDSA Santolan Flyover (Photo from DPWH National Capital Region)
Area 2 from EDSA Santolan Bus Station to EDSA Annapolis Street (Photo from DPWH National Capital Region)
Area 3 from EDSA Annapolis Street to EDSA Near P. Santos Avenue (Photo from DPWH National Capital Region)

NORTHBOUND: Mula EDSA SM Megamall Building B hanggang EDSA White Plains Avenue, kung saan magkakaroon ng concrete reblocking 

Area 1 from EDSA SM Megamall Building B to SM Megamall Building A (Photo from National Capital Region)
Area 2 from Ortigas Bus Station to After Guadix Drive (Photo from DPWH National Capital Region)
Area 3 Don Vicente Madrigal Avenue to EDSA White Plains Avenue (Photo from DPWH National Capital Region)

Batay sa updated schedule ng DPWH, magsisimula ang asphalt overlay at concrete reblocking activities alas-10 ng gabi ng Biyernes, Nobyembre 6.

Magpapatuloy ang concrete reblocking sa buong araw ng Sabado, Nobyembre 7, habang isasagawa naman ang asphalt overlay at concrete reblocking sa Linggo, Nobyembre 8.

Mananatiling bukas sa mga motorista ang iba pang mga lane habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Target namang muling buksan ang lahat ng lane na sumailalim sa concrete reblocking alas-5 ng umaga sa Lunes, Nobyembre 9,

Muling pinaalalahanan ng DPWH ang mga pribadong motorista na para lamang sa mga bus ang EDSA Bus Lane.

Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat, sumunod sa mga traffic sign at gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng pagkaantala sa biyahe.

Leave a Reply