TV PATROL: 24 testigo pinasa-subpoena ng depensa sa impeachment trial ni Sara Duterte
Magpapatuloy sa Lunes ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang kampo naman ng depensa ang maghaharap ng mga testigo at iba pang ebidensiya para patunayang walang basehan ang mga bintang laban sa bise.
Dalawampu’t apat na testigo ang pinasa-subpoena ng depensa.
Tiniyak naman ng prosekusyon na handa itong busisiin ang mga testimonya at ebidensiyang ihaharap ng kampo ni VP Duterte.
Nagpapatrol, Jervis Manahan. TV Patrol, Sabado, 7 Nobyembre 2026