Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

SAPUL SA CCTV: Tindahan, mga sasakyan inararo ng truck sa Maasin City, Southern Leyte

Sapul sa CCTV ang pag-araro ng truck sa mga nakaparadang sasakyan at sa isang tindahan sa Barangay Mahayahay, Maasin City, 3:40 ng hapon nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2026.

‎Unang tinumbok ng truck ang mga motorsiklo at pick-up at saka nagdire-diretso sa loob ng tindahan na isa ring kainan.

Bagama’t hindi nasapul ng sasakyan ang mga tao sa loob ng tindahan, natalsikan naman ng tumilapong mantika ang dalawang babaeng nagluluto na sanhi ng kanilang pagkapaso.

 ‎Nagtamo rin ng minor injury sa ulo ang isang 2-anyos na bata na nasa loob din ng inararong tindahan.

‎Sa imbestigasyon ng Maasin City Police Station, galing sa Maasin City proper ang truck at patungong bayan ng Sogod, Southern Leyte nang mawalan umano ng kontrol ang driver pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada dahil sa dulas dulot ng pag-ulan.

Leave a Reply