Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Tatlo nalunod sa beach sa Sta. Magdalena, Sorsogon

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang bakasyon ng isang grupo nang malunod sa beach ang tatlo nilang kasamahan sa Santa Magdalena, Sorsogon noong Miyerkules, Nobyembre 4.

Ayon sa PNP, tinangay ng malakas na alon ang mga biktima. 

Unang narekober ang labi ng dalawang biktima, ilang oras bago ang insidente habang Huwebes na ng tanghali nang matagpuan ang labi ng isa pa sa mga nalunod.

Dagdag pa ng awtoridad, malakas ang agos at higop ng tubig sa naturang bahagi ng dagat, lalo na kapag masama ang panahon.

Leave a Reply