TV PATROL: Estudyante patay matapos tamaan ng kumalas na engine cover ng bus
Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office sa driver at operator ng passenger bus na sangkot sa disgrasya na ikinasawi ng isang college student sa Atimonan, Quezon noong Huwebes.
Naglalakad umano ang biktima sa tabi ng Maharlika Highway, nang tamaan ng kumalas na engine cover ng bus. Iniutos din ng LTO na isuko ng driver ang kanyang lisensya, habang isinailalim siya sa 90-day suspension.
Itinaas na rin ang alarma sa bus para hindi makabiyahe.
Hawak na ng pulisya ang driver, na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026