TV PATROL: Sec. Teodoro muling bumwelta sa China sa isyu ng Batanes; China ‘manhid’ na umano
Manhid ang China! Ganito inilarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr.,ang aniya’y diplomatic messaging nito, at binasura rin niya ang historical claims ng Beijing sa Batanes Islands sa Hilagang Luzon.
Reaksyon sinabi niya ito matapos dumalo sa ika-pitumpu’t anim na anibersaryo ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio sa Taguig City nitong Sabado.
Para kay Teodoro, mistulang wala na umanong pag-asa na maintindihan pa ng China ang mensahe ng Pilipinas sa kanila.
Sa halip, umapela si Teodoro sa mga kapwa Pilipinong labanan ang pagkalat ng maling impormasyon, at suportahan ang Sandatahang Lakas na nagtatanggol sa teritoryo ng bansa.
TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026