TV PATROL: Seguridad sa paligid ng PICC sa Pasay City lalo pang hihigpitan simula Nov. 9
Simula Lunes, November 9, lalong maghihigpit ng seguridad sa paligid ng Philippine International Convention Center sa Pasay City kung saan idaraos ang 49th Asean Summit mula November 15 hangang 18.
Inaasahan ding magpoprotesta ang iba-ibang grupo, pangunahin laban sa isyu ng Pax Silica initiative.
Nagsagawa rin ng clearing operations ang lokal na pamahalaan ng Pasay kung saan ilang kainan at mga staff nito ang naapektuhan.
Nagpapatrol, Daniza Fernandez. TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026.