Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Mag-ina patay sa sunog sa Caloocan

MAYNILA — Patay ang isang ginang at kaniyang 8-taong-gulang na anak, habang sugatan ang padre de pamilya at isa pang menor de edad na anak sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Velasco Street, Barangay 7 sa Caloocan City, dakong alas-4 ng madaling-araw Lunes. 

Naisugod sa ospital ang 49-anyos na tatay at anak niyang lalaki na 13-anyos, pero hindi nakaligtas ang kayang 50-anyos na asawa at 8-taong-gulang na anak na babae. 

“Natagpuan po sila sa second floor pero yung isa dahil light materials gawa yung bahay, bumaksak na yung katawan isa sa first floor… Gawa sa light materials yung bahay, kaya yung intensity ng fire, saka yung bilis yung kumalat, kaya yung mabilis. Kaya hindi sila nakalabas,” sabi ni FInsp. Niño Villafuerte, commander ng BFP Caloocan Central Fire Substation.

“Ang challenges natin dito yung sikip ng daan pero yun naman ay na-overcome natin kasi magko-conduct tayo… na pinalalahanan yung mga residente na huwag magpa-park sa mga gilid ng kalsada,” dagdag niya. 

 Naapektuhan ng sunog ang limang bahay na tinitirhan 23 pamilya. 

Walang naisalbang gamit si Josie. Aniya, pangalawang beses na silang nasunugan. Ligtas silang nakalabas ng kanyang asawa.

“Natutulog pa ako. Kinatok ako ng anak ng kumare ko na sabi nga, ‘Ninang, ninang yung apoy andyan na sa likod n.’ Kaya nga bigla din tayo ko. Nanghihina naman ako… May awa ang Diyos syempre kaya lang pang-ilang sunog na namin ‘ya,  ang hirap,” kwento niya.

Ang ilang residente naman, tumulong na sa pagsuplay ng tubig sa mga firetruck. 

“Dalawa lang kami rito na kumakatok sa mga bahay so ang nagkakatok yung isa tapos ako kinukwan yung mga timba para kahit papaano makatulong. Wala, biglang laki na talaga,” kwento ni Loreto Ola, residente. 

Itinaas sa unang alarma ang sunog na nirespondehan ng nasa 25 firetrucks. 

Naapula din ang sunog bandang 5:25 ng umaga. 

Hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog at patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala. 

Leave a Reply