TV PATROL: Gina Pareño mapapanood sa ‘Coco Martin’s Sigabo’ simula ngayong gabi
Kapamilya, mas titindi pa ang eksena sa ‘Sigabo’ dahil magkakasama muli si Coco Martin at ang premyadong aktres na si Gina Pareño.
Unang tumatak ang pinakamamahal nating mag-lola tandem nang gampanan ni Gina ang papel na Lola Gets sa seryeng ‘Tayong Dalawa’ kasama siyempre si Coco.
Ngayon naman, gaganap siya bilang si Anita Garcia na mabibiktima ng investment scam.
Tutok lang kung paano mabibigyang solusyon ang hamong ‘yan sa ‘Sigabo’ at baka may mapulot din tayong tips para makaiwas sa pambubudol.
Mapapanood ang ‘Sigabo’ pagkatapos ng TV Patrol.
TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026.