TV PATROL: Baby Dolls at Alamat nagpakitang gilas sa kani-kanilang concert
Mula sa pagiging back-up dancers ng ‘It’s Showtime,’ ngayon, nasa center stage na ang Baby Dolls na humataw sa kanilang kauna-unahang ‘Ooh La Live’ concert nitong weekend.
Naganap ang concert ilang buwan matapos maging guest performers ang Baby Dolls sa parehong venue.
Sulit naman ang hirap sa rehearsals para sa concert dahil sa mainit na suporta ng kanilang fans.
Ibinida naman ng P-Pop boy group na Alamat ang mayamang kultura ng Pilipinas, mula sa kanilang mga kasuotan, sayaw, musika at stage production, sa kanilang ‘Alamat: The Legendary Experience’ o ALX concert.
Nagpakitang gilas din ang bawat miyembro sa kani-kanilang solo performances.
Nagpapatrol, Ganiel Krishnan. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026