Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga turista namangha sa ‘sea of clouds’ sa Leyte at Benguet

Natunghayan ang nakabibighaning ‘sea of clouds’ sa Benguet at Leyte nitong nakaraang linggo. 

Sa video na ibinahagi ni Bayan Patroller Bethany Shine Yu-Caber, bumabalot sa kabundukan ang makapal na puting ulap habang unti-unting sumisikat ang araw sa Baybay City sa Leyte, noong November 4, bago mag-alas sais ng umaga. 

Nakuhanan din ni Kent Marx Ordiz ang sea of clouds sa kaniyang pag-akyat sa Mt. Pulag noong November 2.

Kwento niya, nasa Towersite o Peak 5 sila ng mga kasama nyang hikers nang makita ang sea of clouds. 

Papalubog naman na ang araw noong November 2 nang masilayan ni Bayan Patroller Charles Bulasao ang sea of clouds sa Paoay, Atok, Benguet habang bumibiyahe sila mula Northern Blossom patungong Mt. Olis. 

TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026 

Leave a Reply