TV PATROL: Malakas na bugso ng Amihan makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon
Wala pang walong oras ang inilagi ng bagyong Samuel sa Philippine area of responsibility.
Mag-aalas nwebe ng umaga ngayong Lunes pumasok sa PAR ang typhoon Cempaka na lumiko agad at nakalabas na rin pagsapit ng alas kwatro ng hapon.
Huli itong namataan sa layong mahigit 1,400 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Wala itong naging at magiging epekto sa panahon sa bansa.
Samantala, may malakas na bugso ng amihang makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at tatagal hanggang sa Miyerkules.
Posibleng mabuo ang shear line sa pagbabanggaan ng amihan at easterlies at magpapaulan din ang easterlies sa malaking bahagi ng Mindanao.
TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026