Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Welcome back! Anne Curtis, BUNOT nina Vice, Vhong at Jhong | It’s Showtime

When we were bata pa, simpleng laro lang masaya na.Ngayon, bills at responsibilities at sakit ng likod na ang laging kasama! Aray ko, Mah! Pero lumipas man ang panahon, hindi natitinag ang tunay na pagkakaibigan. Mas lumalakas pa nga ang bardagulan!

Sa “It’s Showtime,” kasabay ng pagbabalik ng mga accla na may beauty na always shining at sa Miss Q and A stage bet ulit magningning, kuminang din like stars ang Baby Dolls! What better way to open the Tuesday FUNanghalian than a performance mula sa girl group na lodi sa sayawan.

Fresh from their concert na naka-standing ovation, aba, this calls for a celebration! Katulad ng laging sinasabi ni Baby Doll Johaira, shot puno na! Puno nga ng pasasalamat ang grupo sa bagong milestone na natamo. At syempre proud ang ‘Showtime’ family sa well-deserved success ng Baby Dolls.

Mukhang deserve rin ni Anne Curtis na ‘mapuksa’ ng mga kaibigan. Grabe naman kasi magpa-miss! Hirit nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro, ‘bunot’ nila ang Dyosa kahit wala ito sa studio, eh ngayon pa ba na present ito?

Nand’yan ‘yung pang-aasar ni Jhong sa print ng damit ni Anne. Pati boses niya, syempre, hindi immune sa pang-aalaska ni Vice Ganda.

Masarap talaga ang kuwentuhan kapag kumpleto ang quadro. Parang bumabalik sa pagkabata! From patintero to dodgeball, ano ang paborito n’yong laro noon?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply