Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

‘Walang awa’: 4 alagang aso, mga pato patay, hinihinalang nilason sa La Union

BABALA: SENSITIBONG BALITA
Patay na ang apat na aso at mga alagang pato nang makita sila ng kanilang tagapag-alaga noong Lunes ng umaga, Nobyembre 9, sa Barangay Baroro, Bacnotan, La Union. Courtesty: Adrian Jabonitilla via Randy Menor 

BACNOTAN, La Union — Patay na ang apat na aso at mga alagang pato nang makita sila ng kanilang tagapag-alaga noong Lunes ng umaga, Nobyembre 9, sa Barangay Baroro, Bacnotan, La Union.

Galit ang may alaga na si Adrian Jabonitilla sa nangyari sa kanyang mga alaga.

“Walang awa ang mga gumawa sa mga ito na basta na lamang nila patayin ang mga alaga namin. Kung may problema, bakit hindi na lang nila sinabi,” ayon kay Jabonitilla.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na may nalason na aso at iba pang alagang hayop sa nasabing barangay.

Meron din umanong 3 aso pa na nalason din sa kanilang kapitbahay.

Nakaaalarma umano ito at magpapatulong na sila sa pulisya upang mahuli ang mga salarin sa pagpatay sa mga hayop.

KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply