Wednesday, November 11, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: US extradition request para kay Quiboloy pormal nang inihain sa Makati RTC

Pormal nang inihain sa korte nitong Lunes ang hiling na extradition ng Estados Unidos para sa nakakulong na lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa Department of Justice, nai-raffle ang extradition request sa Makati Regional Trial Court Branch 145.

Pinapa-extradite si Quiboloy at dalawang kapwa akusado sa Amerika kung saan may aktibo silang warrants of arrest kaugnay ng mga kaso ng international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling. 

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong qualified human trafficking. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.

Leave a Reply