TV PATROL: Tiangco: P26.6B na mga proyekto ipinasok sa DPWH nakatala kay Romualdez
Karamihan umano sa P26.6 bilyong halaga ng mga proyektong ipinasok sa Department of Public Works and Highways sa 2025 budget ay sinasabing nakalaan kay dating House speaker Martin Romualdez.
Ito ang ibinunyag ni Navotas Representative Toby Tiangco sa kanyang pagtestigo sa Sandiganbayan kaugnay ng bail petition ni Romualdez.
Ani Tiangco, sa mahigit P26 bilyong ito, P2 bilyon lamang umano ang napunta sa sariling distrito ni Romualdez.
Nakuha umano ni Tiangco ang impormasyon sa listahan ng mga proyekto at proponent na ipinadala sa kanya ng yumaong dating DPWH undersecretary Catalina Cabral noong March 26, 2025.
Tinawag naman ng kampo ni Romualdez na “double hearsay” ang salaysay ni Tiangco.
Nagpapatrol, Kaxandra Salonga. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.