Tuesday, November 10, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL EXCLUSIVE: Nadiskubreng bangkay susuriin kung tugma sa nawawalang rider sa Cavite

May apat nang natukoy na persons of interest ang Cavite police kaugnay ng nawawalang food delivery rider na huling nakita sa isang subdivision noon pang Setyembre.

Base sa imbestigasyon ng Cavite PNP, nakatanggap si Arnulfo Logronio ng tatlong booking sa magkakahiwalay na lugar sa General Trias noong September 25, pero matapos ang delivery ay ibang tao na ang nakita sa CCTV na nagmamaneho sa kanyang motorsiklo.

Samantala, iniimbestigahan din ng PNP at National Bureau of Investigation ang umano’y labi ng tao na itinapon sa sapa sa Amadeo, Cavite.

Dumating sa NBI ngayong martes ang anak at nanay ni Logronio para magpakuha ng DNA sample para suriin kung magtutugma ito sa nakuhang labi sa Amadeo.

Exclusive, nagpapatrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.

Leave a Reply