Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

NAG-WALK OUT! Showtime hosts, ‘BUNOT’ ang overtime diva na si Trina sa Miss Q&A

Fly, fly, fly like a butterfly at i-enjoy ang buhay. Pero kung ikaw magiging paru-paro, siguro sa bahay ni crush ka dadapo, ‘no?

Dito ang tingin! Mga paru-paro ng sangkabaklaan, lumipad nang malaya sa Resbakulawan. Sa “Miss Q and A” segment sa November 11 episode ng “It’s Showtime,” nagrampasiklaban sina Hera Sanchez Santivaniez, Reign Manzano Gaboy, at Jeraldine Brittany Hawthorne for the chance to comeback sa entablado ng mga beking pakak kung chumukchak!

Kapag kumpleto ang tropa, mas masarap ang kwentuhan lalo na kung puro kalokohan ang laman ng usapan. It’s another round of bardagulan with Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario. From love and organic encounter to trending hits, ang Showtime Quadro ‘di mauubusan ng topic.

Guys, yoohooo, dito ang tingin! Ang Overtime Diva na si Trina, tingnan n’yo parang nag-aalala na baka ang oras sumobra. Kaya ayan tuloy, ‘bunot’ si Trina ng hosts niya! Panira raw ng kaligayahan?! Hirit pa ni Meme, para bang may trust issue si Trina dahil kahit saaan magpunta bitbit ang bag niya. Naku! Si Ma’am Trina, napa-exit na lang dahil mga hosts niya ‘di paaawat sa kadaldalan!

‘Di rin nagpaawat sa pagtalak ang mga ResBAKS. Sa unang round, isa-isa silang sumabak sa Wit Lang. Parang may personal na pinaghuhugutan si Hera sa tanong na, “Kung may taong mapapel, anong isusulat mo?”

Na-traffic man sa kalagitnaan ng talak, pero nakarating pa rin sa tamang babaan si Reign na nabunot naman ang question na, “Kung may nine lives ang pusa, bakit anak nila ‘kitten,’ hindi ‘ki-nine?” At para naman kay Jeraldine, “Bakit ang karne ginigiling tapos bubuuin din naman para gawing meatball?”

Ang Top 2 na sina Jeraldine at Hera ang umabante sa Beklamation kung saan it’s time to make a serious statement tungkol sa tanong na, “Naniniwala ka bang pantay ang tingin ng mga magulang sa kanilang mga anak?” Magkaiba sila ng opinyon pero parehong inilaban nang may paninindigan.

Ngunit sa huli, isa lang ang nag-uwi ng korona. Si Jeraldine ang itinanghal ng Reyna Talak-Era Resbak of the day!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply