Taxi driver naglabas ng itak, tinangka umanong tagain ang rider na nakagitgitan
Nag-viral sa social media ang video ng pagwasiwas ng itak ng isang taxi driver at tangka umanong pagtaga sa isang rider na nakagitgitan niya Jaro, Iloilo City, Miyerkoles ng umaga.
Sa video na kuha ng rider sa Brgy. Ungka, makikita ang driver sa loob ng taxi habang iwinawasiwas ang itak at katabi ang isang pasahero.
Ayon sa rider, biglang nag-cut ang taxi sa kanya kaya nagkasagutan sila hanggang sa humantong ang pagtatalo sa paglabas ng itak ng taxi driver.
Inireport ng biktima sa Iloilo City police ang insidente.
Naglabas naman ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para pagpaliwanagin ang operator ng taxi company ng driver sa video.
Wala pang opisyal na pahayag ang ang taxi company sa insidente.
Libro tungkol sa criminal law, tinangay ng akyat-bahay
TV PATROL EXCLUSIVE: Nadiskubreng bangkay susuriin kung tugma sa nawawalang rider