Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Libro tungkol sa criminal law at iba pang gamit, tinangay ng akyat-bahay

Inaresto ang isang 28-anyos na lalaking hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang matapos umanong looban ang bahay ng pamilya ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa San Leonardo, Nueva Ecija. 

Nadakip ang suspek dakong alas-3:30 ng hapon sa Central Transport Terminal sa Cabanatuan City, habang pasakay ng bus patungong Cubao. 

Ayon sa pulisya, narekober sa suspek ang mga gadget na ninakaw sa bahay ng pamilya ng Comelec officer, kabilang ang laptop, cellphone at iPad.

COURTESY: Nueva Ecija Police Provincial Office 

Gayunman, hindi na nabawi ang pitaka ng biktima na naglalaman ng mga identification at ATM card, gayundin ang isang aklat tungkol sa criminal law.

Bukod dito, nakumpiska rin sa backpack ng suspek ang isang fragmentation grenade na kinumpirma ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team na isang high-explosive hand grenade.

Agad na kinordonan ng mga awtoridad ang lugar at ipinatawag ang EOD team para sa pagsusuri at wastong paghawak sa pampasabog.

Inihahanda na ng Cabanatuan police ang mga kasong robbery at paglabag sa Unlawful Possession of Explosives laban sa suspek.

IBA PANG BALITA:

Leave a Reply