TV PATROL EXCLUSIVE: Kahera tinangay ang pang-13th month pay at sweldo ng mga katrabaho
Tinangay ng isang kahera ang higit P400,000 nakalaan para sa 13th month pay at sweldo ng kanyang mga katrabaho sa Malate, Maynila.
Nakunan sa CCTV ng resto bar na nililimas ng mismong kahera ang perang nasa loob ng isang vault bago tumakas.
Nanlumo ang mga apektadong empleyado lalo’t may kanya-kanya na silang pinaglalaanan ng pera.
Nangako naman ang pamunuan ng resto bar na magiging masaya pa rin ang pasko ng mga empleyado dahil makatatanggap pa rin sila ng kanilang 13th month pay.
Nagsumite na rin ang may-ari ng ebidensya sa pulisya para masampahan ng reklamong qualified theft ang suspek.
Exclusive, nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.