Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kasalukuyang bugso ng Amihan papahina na

Papahina na ang kasalukuyang bugso ng Amihan. 

May mga susunod pa lalo at kakasimula pa lang ng Amihan season.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na dahil sa El Niño, hindi kasing-dalas, kasing-tagal, o kasing-lamig ang cold surges ngayong Amihan season kumpara sa mga nagdaang taon.

Samantala, nagdulot naman ng malalakas na ulan ngayong araw ang maalinsangang easterlies o silanganin sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao at maging sa Palawan.

Sa paghina ng amihan, mawawala na rin ang shear line at ang easterlies na ang iiral sa halos buong kapuluan mula Biyernes.

Wala pa ring inaasahang low pressure area o bagong bagyo hanggang matapos ang linggo.

TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026

Leave a Reply