Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Super El Niño itinuturing nang krisis sa kalusugan ng mga eksperto

Itinuturing ng mga eksperto na isang krisis sa kalusugan ang Super El Niño.

Paliwanag nila, kahit umiiral ang amihan na sanhi ng paminsang malamig na hangin, patuloy na mararamdaman ang epekto nito hanggang sumapit ang dry season sa 2027. 

Isinusulong naman ng mga mambabatas na ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang ‘Super El Niño Calamity’ sa mga lugar na labis na apektado para maiwasan ang banta sa supply ng tubig at pagkain sa bansa. 

Pero ayon kay Palace press officer Undersecretary Claire Castro, may mga hakbang nang inilatag ang iba-ibang ahensiya ng gobyerno kabilang ang mga solar-powered irrigation system, cash aid sa mga magsasaka, at ang pagsasagawa ng cloud seeding kung kinakailangan. 

Nagpapatrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.

Leave a Reply