Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lola nailigtas sa nasunog na bahay sa Parañaque

Nailigtas ang isang babaeng senior citizen mula sa nasunog na dalawang-palapag na bahay sa Rivera Street, Barangay Merville, Parañaque City alas-5 ng umaga nitong Huwebes, Nobyembre 12. Courtesy: Bgy. Merville 

MAYNILA — Nailigtas ang isang babaeng senior citizen mula sa nasunog na dalawang-palapag na bahay sa Rivera Street, Barangay Merville, Parañaque City alas-5 ng umaga nitong Huwebes, Nobyembre 12.

Dinala agad siya sa ospital matapos mailabas ng mga responder.

“Habang nasusunog po yung bahay, medyo yung mga kamag-anak, medyo nagulat, nagsilabasan na, nakaligtaan po nila yung isang matanda na nasa loob ng bahay… Nabanggit ng isang kamag-anak na may matanda dun sa isang bahay sa may likod. So minadali po namin isalba po yung matanda and mabuti na naman po, very positive po, wala pong nasawi sa nasabing sunog,” ani barangay chairman Adrian Bernabe.

Ani Bernabe, mabilis na nakarating sa lugar ang siyam na fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer brigade kaya tuluyang naapula ang apoy ganap na 5:33 ng umaga na umabot sa unang alarma.

“Ang mabuti, marami po tayong fire volunteers at mga brigade po natin. Within the first five minutes, nandun po yung ating rescue at yung ating mga bumbero,” saad pa nito.

Wala nang ibang naitalang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng napinsalang ari-arian.

KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply