TV PATROL: Higit 50 malikhaing belen agaw-pansin sa Belenismo sa Tarlac
Pinoy bayanihan at pananampalataya ang namayani sa ika-19 taong Belenismo Festival sa Tarlac.
Kinikilala bilang mahalagang cultural at tourism event ang Belenismo kung saan nagpapakitang gilas ang mga bayan at parokya ng kani-kanilang belen.
Kakaiba naman ang diwa ng selebrasyon ngayong taon lalo’t isa ang Tarlac sa mga apektado ng mga nagdaang kalamidad.
Kaya kinansela ang awards night at inilagak sa mga pamilyang nasalanta ang pondo sanang gagamitin dito.
Nagpapatrol, Gracie Rutao. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.