TV PATROL: Mabigat na traffic ramdam na sa ilang lugar sa Pasay bago ang ASEAN Summit
Nagpatupad na ng traffic adjustments sa paligid ng PICC at iba pang pangunahing lansangan bilang bahagi ng paghahanda para sa 49TH ASEAN Summit na idaraos sa Pasay City.
May paghihigpit na rin dahil inaasahang pagdating ng ilang foreign delegates at heads of states simula sa Biyernes.
Ayon sa MMDA, inaasahang mas bibigat ang trapiko sa weekend dahil sa pagdating ng foreign delegates pero luluwag pagdating ng Lunes hanggang Miyerkules na naunang idineklarang non-working days.
Live mula sa Roxas Boulevard, nagpapatrol si Izzy Lee. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.