Friday, November 13, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL : Mahigit 200 golfers lumahok sa ‘Swing For A Cause’ fundraiser ng ABS-CBN Foundation

Umiral ang bayanihan at pakikipag-kapwa tao sa “Swing For A Cause” fundraiser ng ABS-CBN Foundation, kasama ang ilang Kapamilya stars at golf enthusiasts.

Layon ng event na makalikom ng pondo para sa mga adbokasiya ng foundation. 

Mahigit 200 golfers ang lumahok sa ikalawang taon ng “Swing For A Cause,” ang fundraiser tournament ng ABS-CBN Foundation nitong lunes sa Canlubang Golf and Country Club.

Sinimulan ang paglalaro sa ceremonial tee off ng Kapamilya star na si Donny Pangilinan kasunod sina John Estrada, Isaiah Joaquin Castillo, Glydel Mercado, at Zanjoe Marudo.

Nagpapatrol, Dyan Castillejo. TV Patrol, Huwebes, 12 November 2026.

Leave a Reply