TV PATROL: BINI Mikha humingi ng paumanhin dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho
Humingi ng paumanhin sa publiko ang BINI member na si Mikha Lim nitong Miyerkules.
Ito’y matapos mag-viral ang bahagi ng kanyang livestream kung saan nakita siyang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Inamin ni Lim ang kanyang pagkakamali at sinabing “no excuse” o walang palusot para bigyang katwiran ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Nangako rin siyang matututo mula sa pagkakamaling ito.
TV Patrol, Huwebes, 12 November 2026.