Jackie, natunaw ang puso sa birthday message ni Anne | It’s Showtime
Kung ang iba ay feeling long weekend sa opisina, mayroon din namang walang pahinga kakahabol ng deadline mula umaga. Kaya saglit munang huminga at tumawa kasama ang “It’s Showtime” family na hindi nauubusan ng pampa-happy.
Hot like the weather outside ang HOT-aw dance number ni ‘Ate Girl’ Jackie Gonzaga. Hindi na kailangan pang hipan ang birthday candles sa cake niya dahil siguradong tunaw agad ang mgga kandila sa moves niyang naglalagablab.
Mainit din ang pagmamahal na ipinadama ng “It’s Showtime” family kay Ate Girl as they expressed their birthday messages and wishes for her. Naluha si Jackie sa mensahe ni Anne Curtis, na nangako na palagi itong nasa tabi niya. Lumakas man ang alon ng buhay, hindi mangangamba si Jackie dahil mayroon siyang Ate Anne na makakasabay.
Sabay-sabay naman ang palakpak at hiyawan para sa sangkabaklaan. Tatlong beking magagaling, nagbabalik sa Miss Q and A para sa pagkakataon na rumesbak at pumaslak. Welcome back, Jass Lucky, Gabriela Duevall, at Billy Labitan Yadao!
At sa Laro Laro Pick, sumugod ang mga bisitang sanay mag-spike ng bola. Ang P200,000 POT money, ma-mine kaya nila? Mga volleyball players ng liga ang bumida sa game arena.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.