Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Coco ‘di inasahang mapapa-oo sa ‘Sigabo’ sina Skusta Clee, Flow G, Uncle Dags

Ibinahagi ni Primetime King Coco Martin ang kanyang reaksyon ngayong katrabaho na niya sa seryeng ‘Sigabo’ ang tatlo sa most viral rappers ng bansa na sina Skusta Clee, Flow G at Uncle Dags.

Kwento ni Coco sa ABS-CBN News, hindi niya inaasahang mapapa-oo niya ang mga tinaguriang superstars ng Pinoy rap. 

Bitbit din ni Coco ang misyon na gawing kwento sa serye ang ilang napapanahong isyu tulad ng paglaganap ng mga modus at scammers. 

Target namang lansagin ng karakter niyang si Gabo ang mga sindikatong pasimuno ng ilegal na mga gawain at operasyon. 

Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply