Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Divisoria dinarayo na ng mga naghananap ng murang panregalo sa Pasko

Payday Friday ngayon kaya ang ilang Kapamilya natin ay diretso sa bagsakan ng mga murang panregalo sa Maynila para mag-early Christmas shopping.

Ilan sa mga dinarayo ng mga mamimili sa Divisoria ang mga tindahan ng bags, laruan at accesories.

May ilan namang mga dumayo pa mula sa labas ng Metro Manila para mamakyaw ng panregalo para sa kanilang pamangkin.

Marami na ring mga nagtitinda ng Christmas decorations sa divisoria, pero sabi ng ilang nagtitinda, matumal pa ang bentahan nila sa ngayon.

Live mula sa Divisoria, nagpapatrol si Lyza Aquino. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply