Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Miss Q&A: Dapat bang COLLEGE GRADUATE ang mga tatakbo sa eleksyon? | It’s Showtime

Ang bittersweet ng goodbye, ’no? May kasamang feeling ng gratitude at may panghihinayang din. Minsan nga parang naka-loop sa isip mo ang mga “what could’ve been.” Pero imbes na ubusin ang oras sa lungkot kaka-replay ng mga bagay na mami-miss, ang kahapon ay pasalamatan and believe with all hope na marami pang magagandang bagay na dapat abangan.

Inabangan ng sangkabaklaan ang harapan ng mga beki na mahusay sa talakan. Mula Lunes hanggang Biyernes sa “It’s Showtime,” sinala ang mga kandidata sa Miss Q and A Resbakulawan, at sa araw na ‘to, Sabado, nagkaalaman na kung sino sa limang weekly finalists ang best.

Chukchak mode on sina Ivern Doroteo, Ringo Antonio, Jeraldine Brittany Hawthorne, Franco Gray, at Billy Labitan Yadao. Bago ang talak, sunod-sunod agad ang patutsada ng mga baklang ‘di pakakabog sa isa’t isa. At sino itong kandidata na tila ba napagtulungan ng mga kasamahan?

Mula lima, apat ang pumaslak sa Wit Lang round. Mga tanong dito, hindi naman kailangan dibdibin, mas okay kung sasakyan ang ‘amats’ at lalaruin. At ang Top 2 wittiest candidates of them all, sina Billy at Ringo, umabante sa next round na Beklamation.

From laro, naging serious ang question, “Sa iyong palagay dapat bang requirement na college graduate ang lahat ng tatakbo sa eleksyon?” Mainit ang mga sagutan ng dalawang reyna, pero naging mas matimbang ang punto ni Billy, ang Miss Q and A Reyna Talaki-TALK of the week.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply