Monday, November 16, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Senior benefits? Narito ang ilan sa mga benepisyo at pribilehiyo ng ating mga lolo at lola

Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos and city officials lead the rice distribution for senior citizens aged 65 to 79 at an evacuation center along Acacia Lane Extension in Barangay Addition Hills on May 6, 2026. Maria Tan, ABS-CBN News

Maliban sa pension, mayroon pang iba’t ibang benepisyo at pribilehiyong maaaring matamasa ang ating mga lolo at lola.

Narito ang limang benepisyo na maaaring gamitin ng mga senior citizen sa Pilipinas, ayon sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

1. Expanded Centenarians Act

Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, makatatanggap ng P100,000 mula sa gobyerno ang mga senior citizen na aabot sa edad na 100.

Samantala, ang mga senior citizen na naninirahan sa Pilipinas man o sa ibang bansa na aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap naman ng P10,000.

2. Exemption sa VAT at 20% discount sa mga produkto at serbisyo

Exempted sa Value Added Tax (VAT) ang mga senior citizen at may karapatan din silang makakuha ng 20% discount sa ilang produkto at serbisyo, kabilang ang mga gamot, medical services, at pamasahe sa pampublikong transportasyon.

Ito ay alinsunod sa Section 4 ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

3. Discount sa kuryente at tubig

Ayon sa NCSC, maaari ring makatanggap ng diskuwento sa bayarin sa kuryente at tubig ang mga account na nakapangalan sa isang senior citizen.

May 5% discount ang mga kuwalipikadong account, basta’t hindi lalampas sa 100 kilowatt-hours (kWh) ang konsumo sa kuryente at 30 cubic meters ang konsumo sa tubig.

4. Educational assistance

Maaari ring makatanggap ng educational assistance ang mga senior citizen na nais magpatuloy o magbalik-aral.

Kabilang dito ang pag-aaral sa high school, senior high school, kolehiyo, graduate studies, at technical-vocational courses, basta’t natutugunan nila ang minimum admission requirements ng pampubliko o pribadong paaralan.

5. Libreng serbisyong medikal

May pribilehiyo rin ang mga senior citizen na makatanggap ng libreng medical at dental checkup sa mga pasilidad ng gobyerno.

Kabilang sa mga serbisyong ito ang X-ray, CT scan, at blood tests, kung kinakailangan.

Mahalagang malaman at maunawaan ng bawat isa ang mga benepisyo at pribilehiyong nakalaan para sa ating mga lolo at lola.

Bukod sa dagdag na tulong pinansyal, malaking ginhawa rin ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa bawat senior citizen, kaakibat ng kanilang edad ang mga karapatan at pribilehiyong nararapat lamang nilang matanggap.

RELATED STORIES

Leave a Reply