Monday, November 16, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Babaeng nagpanggap na customer tinangkang nakawin ang cellphone sa Antipolo

Sapul sa CCTV ang tangkang pagnanakaw ng nagpanggap na customer sa tindahan ng damit sa Antipolo City.    

Kunwaring nagsusukat pa ang babaeng suspek, ‘yun pala’y tinakpan na ng damit ang cellphone ng bibiktimahing tinderong menor de edad. 

Bigla umalis na lang ang babae sa tindahan nang mabigo sa kanyang pagnanakaw.

Patuloy na kinikilala ng barangay ang suspek na nagpaalala sa mga negosyante na bukod sa pagkakabit ng CCTV huwag ding iwanang mag-isa ang mga menor de edad na bantay sa mga negosyo.

-Ulat ni Eon Sanchez, ABS-CBN News

Leave a Reply