TV PATROL: Cybersecurity measures sa ASEAN int’l media center dinagdagan
Sa bisperas ng pormal na pagbubukas ng 49th ASEAN Leaders’ Summit sa Maynia nagdagdag ng cybersecurity measures ang Department of Information and Communications Technology sa ASEAN International Media Center.
Hinimok naman ng Malacañang ang mga nagproprotesta laban sa Pax Silica na idaan sa pag-uusap o position paper ang mga hinaing imbes na sa pagkilos sa mga kalsada.
Ipinaliwanag ni DICT Secretary Robert Joseph De Claro na ang bahagyang pagbagal ng wifi sa ASEAN international media center ay dahil sa mga idinagdag na security protocol para sa mga gumagamit ng internet facility sa World Trade Center.
Nagpapatrol Katrina Domingo. TV Patrol, Sabado, 14 November 2026.