Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Mga Pinay socialite, ibibida ang tagumpay at bonggang lifestyle sa “Manila Matriarchs”

Kilalanin ang mga kababaihang sumakses!

Bubuksan ng iWant sa mga manonood nito ang pinto sa magarbong mundo ng mga Pinay socialite, tampok sina Joanna Preysler-Francisco, Myrza Sison, Karylle Tatlonghari, at Trisha Bantigue-Tsao sa bago nitong reality serye na “Manila Matriarchs,” na mapapanood ngayon sa iWant.

Matutunghayan dito ang bonggang success ng ilan sa Pinay socialites, gaya ng Manila art queen na si Joanna, fashion editorial royalty na si Myrza, multi-awarded actress-singer na si Karylle, at ang bigating CEO na si Trisha.

 
 

Ibibida rin dito ang kanilang pang-araw-araw na karanasan kasama ang kani-kanilang pamilya, kaibigan, pati mga pagsubok na kanilang hinaharap. 

Inilikha ng award-winning producer Cece Asuncion ang reality serye katuwang din ang Girl Bye Productions Inc. at Lucca Creatives. 

Bukod sa pasilip sa kanilang pamumuhay, ibibida rin ng reality serye ang tagumpay at husay ng mga kababaihan sa mundo ng high society.

Palabas na ang “Manila Matriarchs,” exclusive sa iWant. Libreng mapapanood ang unang episode nito worldwide.

Aabangan din ang bagong episodes pa nito simula Nobyembre 24 (Martes).

Mapapanood ang eight episodes nito sa pamamagitan ng iWant subscription plans sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.

Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

 
More on this story:

Leave a Reply