Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

4 sugatan, 60 pamilya apektado sa sunog sa Parañaque

MAYNILA — Apat ang sugatan habang nasa 60 pamilya o tinatayang 150 indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay San Antonio, Parañaque City pasado alas-5 ng umaga nitong Linggo, Nobyembre 15.

Tinatayang 30 bahay at establisyimento ang naapektuhan sa insidente na umabot sa ikatlong alarma at nirespondehan ng 38 bumbero at fire volunteers.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Parañaque, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang residential house.

Tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian, habang wala namang naiulat na nasawi o nawawala.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply