Tuesday, November 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Maritime cooperation, AI, transnational crimes ilan sa prayoridad sa 49th ASEAN Summit

Inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga prayoridad na isyu sa pormal na pagbubukas ng 49th ASEAN Summit, kabilang ang maritime cooperation, pagsugpo sa online scams at ibang banta sa seguridad sa rehiyon, gayunding ang pagpapalakas ng ekonomiya at paggamit ng artificial intelligence. 

Isusulong naman ng kasunduan sa digital economy framework ang cross border digital trade at access sa rehiyon. 

Mainit na sinalubong ng pangulo ang mga lider ng Timog Silangang Asya at iba pang bansa. 

Sumakay sila sa makulay na e-trike sa pagpasok sa Main Hall ng Philippine International Convention Center kung saan idaraos ang mga pulong. 

Kasabay nito ang pag-turn over ng ASEAN Secretary General ng bagong emblem, flag at certificate ng ASEAN. Ipinakita rin ng mga lider ang pagkakaisa at pagtutulungan sa tradisyunal na handshake. 

Mula sa International Media Center, nagpapatrol, Jervis Manahan. TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026

Leave a Reply