TV PATROL: Ilang bansa naghayag ng interes sa regional oil stockpiling
Inanunsyo ni Trade Secretary Cristina Roque na may limang bansa na ang nagpahayag ng suporta sa mungkahing regional oil stockpiling o pag-imbak ng langis na napag-usapan sa ASEAN Summit.
Ayon kay Roque, bukod sa Pilipinas, nagpakita rin ng interes sa panukala ang Singapore, Malaysia, Indonesia at pati United Arab Emirates.
Mahalaga aniya ito para may reserba ng langis sa rehiyon na pwedeng pagkuhanan ng supply sakaling may mangyaring gulo uli sa Middle East.
Nilinaw ni Roque na pinag-aaralan pa rin ng mga bansa ang panukala at pwede pa rin sumali ang ibang member states.
Bukod sa kolaborasyon sa oil stockpiling, palalakasin rin aniya ng ASEAN ang kooperasyon para sa food security at ang pagsusulong sa ASEAN power grid.
Nagpapatrol, Jekki Pascual. TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026