TV PATROL: Pag-iral ng mainit at maalinsang panahon magpapatuloy
Magpapatuloy ang pag-iral ng mainit at maalinsang panahon sa halos buong bansa bukas.
Ngayong Lunes, pumalo sa 43 degrees celsius ang pinakamataas na heat index o yung damang init dahil sa pinagsamang epekto ng temperatura at dami ng moisture sa hangin.
Sa Martes, tatlong lugar ang pwedeng makaranas ng delikadong antas ng damang init na 42 degrees Celsius: mga syudad ng Borongan, Puerto Princesa, at Zamboanga.
Para iwas-heat stress, iwasang mabilad sa arawan, magsuot ng preskong damit at gumamit ng payong o sombrero, at dalasan ang pag-inom ng tubig.
TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026