Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lalaki arestado matapos umanong videohan ang babaeng naliligo sa Aurora resort

Arestado ang isang lalaki matapos umanong palihim na kunan ng litrato at video ang isang babae habang naliligo sa isang resort sa Barangay Butas na Bato, Dingalan, Aurora noong Lunes, Nobyembre 16. Courtesy: Coast Guard District Northeastern Luzon via Cezar Galasi

DINGALAN, Aurora — Arestado ang isang lalaki matapos umanong palihim na kunan ng litrato at video ang isang babae habang naliligo sa isang resort sa Barangay Butas na Bato, Dingalan, Aurora noong Lunes, Nobyembre 16.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsasagawa ng Recreational Safety Enforcement Inspection ang mga tauhan ng Coast Guard nang makarinig sila ng babaeng humihingi ng saklolo mula sa loob ng palikuran.

“Nasa area iyong mga personnel natin from Coast Guard Sub-Station Dingalan at doon nila narinig iyong sumisigaw na babae na kaagad naman nilang pinuntahan,” ayon sa ahensya.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at tinulungan ang babae na nagsumbong na may isang lalaking umano’y nagtutok ng cellphone sa kaniyang banyo habang siya’y naliligo.

Sa tulong ng biktima, kaagad na natunton at inaresto ng mga tauhan ng Coast Guard ang lalaki.

Dinala naman sa Dingalan Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

IBA PANG ULAT: 

Leave a Reply